top of page

5 Ways to Motivate Your Downline To Take Action


One time nakita ko ang post na’to sa isang facebook MLM group page.

Maraming mga Networkers ang nag comment sa post na’to para tumulong at mag-advice sa kanya at may mga kanya-kanyang idea at opinion din sila. Isa din ako si mga tao na nag comment sa post nato pero nung time na yun ay isang bagay lang yung sinagot ko sa kanya at matatagpuan mo rin yun sa topic nato. Naisip ko na i-repost ang topic na’to in this blog because i really believe na napaka importante para sa mga Network Marketers especially sa mga leaders na hindi pina-follow ng mga downlines nila.

WAY #1: LEAD BY EXAMPLE

Ito yung ginawa kong sagot sa question sa itaas at sa totoo lang simula noon hanggang ngayon ito parin ang best option ko. Sabi nga sa isang quote,

“People may doubt what you say but they will believe what you do. – Lewis Cass”

Action will always speaks louder and stronger than words. At tandaan mo ang mga downlines o followers mo ay palaging naka tingin sa likod mo kaya kung ano yung ginagawa mo malamang yun din ang madalas na gagawin nila. Just walk the talk! Kung ano man yung mga bagay na gusto mo’ng ipagawa sa kanila ay gawin mo muna at sigurado ako kapag ginagawa mo to at nakikita nila na may progress ka susunod sila sa yapak mo.

WAY #2: ALWAYS DEVELOP YOURSELF

As a leader you must be few steps ahead from your followers especially in terms of knowledge and skills. Ang mga tao ay natural na naa-attract at pina-follow ang mga tao na sa tingin nila ay mas magaling at mas nakakaalam kesa sa kanila. Kahit ikaw mismo sa sarili mo ay ganito din ang nararamdaman mo. Kaya ‘wag kang magsawang e-develop ang skills and knowledge mo. Ugaliin mo’ng magbasa ng libro kahit 1 hour a day lang. Pwede mong gawin ‘to bago ka matulog at sa pagising mo sa umaga. Marami ka ring makikitang mga training videos sa youtube na pwede mo’ng kunan nang valuable information para e.develop ang leadership skills mo. Even this blog ay pwede mo’ng i-leverage para punuin parati ang utak mo with valuable information na pwede mo’ng i-share araw-araw sa team mo.

WAY #3: ACQUIRE AND SHOW SOME RESULTS

Ito ay ang pinaka imporanteng bagay na kaylangan mo’ng makuha at maipakita sa mga followers mo. Take note hindi mo kaylangan mag-exaggerate ng resulta para lang may maniwala sa’yo lalo na kapag nagsisimula ka pa . Ang resulta na tinutukoy ko ay pwedeng magsimula sa isang benta na nagawa mo sa produkto o opportunity na pino-promote ninyo, isang successful na meeting ng prospect mo o mastery ng isang skill na pinag-aaralan mo. At wag na wag mo’ng kalimutan na ibalita ito sa team mo o dun sa mga tao na gusto mo’ng sumunod sayo. Never show your results just to brag about it, show it to be an inspiration for them to take action.

WAY #4: SET A SUPPORT SYSTEM TO YOUR TEAM

One of the reason why most Network Marketers fail is because of the lack of effective support system. Ang support system na tinutukoy ko ay hindi yung bibigyan mo sila ng pera para may panggalaw sila o downlines para isang parisan nalang ang tatrabahoin nila (minsan nakakatulong din ito). Ang tinutukoy ko ay isang system na magagamit na nila kaagad pagpasok palang nila sa business kagaya ng Web Page nato ng GNA. Pwede kang gumawa ng exclusive members website or FB Group Page ninyo kung saan nandun na lahat ng mga trainings and tools na kelangan nila para magawa nila ang business ninyo ng mabilis at tama. Pwede kang gumawa ng videos from basic to advance marketing skills and strategies at i-upload mo dun sa website. Pwede ka rin gumawa ng offline system kung hind ka marunong gumawa ng website. Nung nagsisimula palang ako sa Network Marketing career ko gumawa ako ng fact sheets kung saan nandun na lahat ang step by step (What To Do After Joining) na kelangan nilang malaman, nilagay ko yun sa isang clearbook at pinapa print-out ko every time may bagong pumasok na members.

Take note: Ang system na ito sya ding tutulong sa’yo para ma lessen ang effort mo sa pag-duplicate ng downlines mo. Kaya ang advice ko never miss this one.

WAY #5: CONSISTENTLY SPONSOR MORE PEOPLE

You cannot please everybody kahit downline mo pa s’ya. Hindi kasi lahat na pumasok sa busines mo ay gagawin ang lahat ng kinakaylangan para maging successful din sila. Sometimes may mga tao na naging curious lang kaya sumali sila, meron din super committed sa umpisa pero madaling manghinaan ng loob kapag nagkaproblema na. Tandaan mo sa AIM Global business natin people come and go. May magtatagal sa’yo, may mawawala. Ang kadalasang problema ng mga Network Marketer ay inaasa nila sa mga downlines nila ang successs ng business nila. Ang nasa isip nila ay kung makakakuha lang sila ng dalawa, tatlo, apat o limang downlines na malulupit ay wala na silang po-problemahin sa business nila. Pero sa totoo lang wala pang ni-isang Networker sa buong mundo na naging successful dahil inasa n’ya lang ang business nya sa magaling n’yang downline. Oo pwede kang makakuha ng mga magagaling pero im pretty sure hind rin magtatagal sa’yo ang mga yan. As i’ve sad,

“Ang mga tao ay natural na naa-attract at pina-follow ang mga tao na sa tingin nila ay mas magaling at mas nakakaalam kesa sa kanila.”

Don’t focus yourself on following-up their actions. Instead, focus on how to recruit more direct downlines and build yourself to grow more. Anyway, from time to time pwede mo din silang i-update sa mga nangyayari sa company nyo at lalo na sa’yo. Kung nagagawa mo ang mga bagay na ito at makikita nila na nagkakaresulta ka. I am sure mamo-motivate sila ng lalo kahit hindi mo pa pina-follow up.

BONUS WAY #6: LEARN TO GIVE VALUE

Actually this the coolest way. If you know how to give value to your downlines they will be attracted to you and will always follow your command. Giving value is making the people around you to grow more physically, mentally and spiritually. Give them valuable things, knowledge and information without asking something in return. This concept is called Attraction Marketing.

So thats it! Kung nakatulong sa’yo ang post nato and if it make sense to you feel free to share to your friends and downlines. And I really love to hear your thoughts so don’t forget to leave a comment below.

Your Friend And Partner In Unleashing Your True Power,

GNA Admins


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
No tags yet.
bottom of page